Lunes, Agosto 4, 2014

PAG-IBIG(Informal essay)

                           PAG-IBIG

  Pag-ibig...Ano nga ba ang relasyon ng pag-ibig sa isang tao? Ito ba'y nakakasama o nakakabuti? Naniniwala ako na ang bawat indibidwal ay may sariling interpretasyon kung ano ang salitang PAG-IBIG. Ako'y naniniwala na walang taong nabubuhay na wala ang Pag-ibig,Bakit? Dahil bilang kristiyano partikular sa amin na ang, Pag-ibig ang pinakadakilang biyaya o regalo ng Diyos sa tao at ayon sa Bibliya walang tao ang nabubuhay ng walang pag-ibig.

  Ayon kay Professor Roengen Mendoza ay maraming kahulugan ang Pag-ibig maaring ito ay mula sa ilang bagay na nagbibigay konting ligaya, hanggang sa pagbuwis ng buhay. Maaari na isang masidhing damdamin ng pagtingin ang kahulugan nito, isang emosyon o nasa estado ng emosyon. Sa madaling salita, madalas na tumutukoy ito sa interpersonal na pagmamahal. Sa mga teen-ager katulad ko ay pamilyar na pamilyar ang "puppy love" ito ay isang klase ng pag-ibig ng mga teen-ager, ito daw ay isang "LOVE" na pangmadaliaan lang o "infatuation", isa itong love na walang "commitment". Maari nga na ang pag-ibig and dahilan kung bakit tayo gumigising at nabubuhay dito sa mundo, sabi nga sa isang kanta LOVE WILL KEEP US ALIVE na siya namang sinasang-ayonan ko. Maari nga na ang buhay pag-ibig ay masaya ngunit kunting paalala lalo na sa mga kapwa ko teen-ager ANG PAG-IBIG AY MASAYA NGUNIT HINAY-HINAY LANG, BAKA SA HULI IKAW LANG MASAKTAN, Sabi nga nila THE PEOPLE THAT YOU LOVE MOST WILL BE THE ONE WHO WILL HURT YOU MOST, Kaya hinay-hinay lng baka ikaw ay madapa...Paalala: Bago ka pumasok sa isang relasyon dapat marunong kang Lumugar at marunong kang mahalin ang iyong sarili.

    Marahil ay masaya nga magkaroon ng minamahal/inspirasyon sa buhay ngunit dapat natin ilagay sa ating isipan na ang Pag-ibig ay hindi lamang isang larong pambata na pwede nating laruin ng pa ulit-ulit. Ang pag-ibig ay biyaya sa atin ng maykapal at dapat natin gamitin ng tama at sa tamang panahon.,